Saturday 30 July 2016

Responses on Allan's Answers to 10 Difficult Questions

Allan is an INC member who does a lot of defending of INC teachings. I composed 10 core questions which is more on the validity of F. Manalo, their founder. His answers are mostly mere claims and terrible ones. See it for yourself


Question #1. Ginamit mo ang mga sitas nga Isa.41:9-14, Isaiah 43:5, saan sa contexto ng mga sitas ka nakakuha ng idea na ang propesiya na ito ay may kinalaman sa Iglesia na itinatag ni Cristo?

Answer: #1. Gaya ng aking naging presentation, ang tinutukoy sa Isaias. 41:9 ay ang tinutukoy na "UOD NA JACOB" batay sa Isaias. 41:14. Hindi ito ang Jacob na Binhi ni Abraham SA LAMAN sapagkat batay sa Genesis 49:33 bago pa ang hula ni Isaias, ang Jacob na tinawag ding Israel na Binhi ni Abraham SA LAMAN ay malaon nang namatay. Kaya ang "UOD NA JACOB" na tinutukoy ay ang "BINHI NI ABRAHAM SA PANGAKO". Napakaliwanag nang nakasulat sa Galacia 3:29 na ang mga KAY CRISTO ay mga Binhi ni Abraham sa pangako. Sino ang tinutukoy na mga Kay Cristo? Naniniwala ako na hindi ka tututol na ito ang mga kaanib sa Iglesia Ni Cristo Galacia 1:22, NPV. Kaya maliwanag na 'yung hula ukol sa LINGKOD NA TATAWAGIN AT PIPILIIN NG DIYOS NA MULA SA MGA WAKAS NG LUPA NA TINATAWAG NA "UOD NA JACOB" AY TUMUTUKOY SA TAONG MANGUNGUNA SA MGA WAKAS NG LUPA O MGA HULING ARAW SA PAGTATANYAG NG IGLESIA NI CRISTO.

Critic: It's true that the term "Worm Jacob" is referring to the people of God and not necessarily sons of Abraham in flesh but also to believers of Christ. But never in the context that we can extract a slight idea that it talks about prophecy on rebuilding of the church built by Christ.

So to avoid the shame, Allan is jumping to a conclusion without any reasonable premise that:  "UOD NA JACOB" AY TUMUTUKOY SA TAONG MANGUNGUNA SA MGA WAKAS NG LUPA O MGA HULING ARAW SA PAGTATANYAG NG IGLESIA NI CRISTO.

__________________________

Question #2. Alin sa lahat ng mga sitas mo ay nag bigay idea na may paparating na pag litaw ulit specifically sa Iglesia na itinatag ni Cristo
Answer #2. Ang mga ginamit kong mga sitas ay MAGKAKAUGNAY at ginamit ko lahat upang patunayan na MAY LILITAW NA SUGO NG DIYOS SA MGA WAKAS NG LUPA O SA MGA HULING ARAW UPANG ITANYAG AT IPANGARAL ANG IGLESIA NI CRISTO.

The answer is obviously a mere assertion without biblical verses to support his claim. What's much worse is, I was only asking for idea that can be taken from multiple verses and not literally looking for exact words. This is because we can never see any idea that from that Bible about the re-emergence of a church for any reason, the only emergence Jesus was talking about was emergence of false prophets/teachers which perfectly fits to F. Manalo. Infact Jesus even said |

"And surely I am with you always, to the very end of the age" Mt. 28:20

__________________________

Question #3. Kung ang Uod na Jacob ay tumutukoy sa mga sumasampalataya ni Cristo, saan ka kumuha ng ideya na may Sugo na may tinutukoy sa mga Propesiya?

Anwer #3.Sapagkat MAY INIATANG NA GAMPANIN kaya natitiyak natin na ang HINUHULAAN AY SUGO. Katunayan kung babasahin natin ang Isaias 41:15 ay heto ang nakasulat "Narito, aking ginawa kang bagong kasangkapang panggiik na matalas na may mga ngipin; iyong gigiikin ang mga bundok, at didikdiking durog, at iyong gagawin ang mga burol na parang ipa." Ang isa sa trabaho ng Sugo na lilitaw sa MGA WAKAS NG LUPA BILANG ISANG KASANGKAPANG PANGGIIK ay GIIKIN ANG MGA BUNDOK AT ANG MGA BUROL NA PARANG IPA. na tumutukoy sa mga pamuan ng kadiliman o sa maling relihyon (Efeso 6:12).

As we see, we cannot get any slight relevance from the verse Allan shows to what he was saying which is about Sugo:

Isaias 41:15 ay heto ang nakasulat "Narito, aking ginawa kang bagong kasangkapang panggiik na matalas na may mga ngipin; iyong gigiikin ang mga bundok, at didikdiking durog, at iyong gagawin ang mga burol na parang ipa."

INC members do always have answers when asked, but unfortunately, wrong answers. 

__________________________

Question #4.Kung ang WAKAS NG LUPA ay tumutukoy sa panahon at hindi lugar,Ang Reyna ng Timugan ba ay galing sa panahon ng Unang Pandaigdig na Digmaan (July 27, 1914). May natala ba sa kasaysayan na galing July 27, 1914 ang Reyna ng Timugan?

”Magbabangon sa paghuhukom ang reina ng timugan na kasama ng lahing ito, at ito'y hahatulan: sapagka't siya'y nanggaling sa mga WAKAS NG LUPA upang pakinggan ang karunungan ni Salomon;..” (Mateo 12:42)
Answer #4: Kaibigan, ang presentation ko ay ukol sa Isaias 41:9,14. Talagang ang stand ng Iglesia Ni Cristo sa Isaias 41:9 at sa Isaias 43:6 ang "ENDS OF THE EARTH " o "MGA WAKAS NG LUPA" ay tumtukoy sa panahon.. Wala kang mababasa sa presentation ko na ginamit ko ang Mateo 12:42.
Para patunayan ko sa iyo kaibigan na magkaiba ang tinutukoy na "MGA WAKAS NG LUPA" sa Isaias 41:9 at sa ginamit mo na Mateo 12:42 ay gamitin natin ang GOOD NEWS BIBLE (Catholic edition in Septuagint order)
Ganito ang pagkakasulat sa Isaiah 41:9
9I brought you from the ENDS OF THE EARTH;
I called you from its farthest corners
and said to you, ‘You are my servant.’
I did not reject you, but chose you.
Paano isinalin ang Mateo 12:42 sa saling ito? "ENDS OF THE EARTH' din ba?
42On Judgement Day the Queen of Sheba will stand up and accuse you, because she travelled all the way from her country to listen to King Solomon's wise teaching; and I assure you that there is something here greater than Solomon!
Wala na po 'yung "ENDS OF THE EARTH" at iyan ay mula sa saling GOOD NEWS BIBLE (Catholic edition in Septuagint order)
Kaya kung gagamitin natin ang CATHOLIC EDITION NG GOOD NEWS BIBLE ay maliwanag na MAGKAIBA ANG TINTUKOY SA ISAIAS 41:9 AT MATEO 12:42.

Allan obviously messed up with the paraphrasing here. In attempt to proving that "Ends of the Earth" refers to time, not place, he brought up the GNB version of  Matt 12:42. Before we point out the problem lets compare NIV and GNB

"The Queen of the South will rise at the judgment with this generation and condemn it; for she came from the ends of the earth to listen to Solomon's wisdom, and now something greater than Solomon is here." Matthew 12:42 NIV

"On Judgement Day the Queen of Sheba will stand up and accuse you, because she travelled all the way from her country to listen to King Solomon's wise teaching; and I assure you that there is something here greater than Solomon!"-Matthew 12:42 GNB


If you take a look a it very carefully, in GNB, the "ends of the earth" was not replaced with "Judgement Day", but "all the way from her country". Therefore, in both Mt.12:42 and Is.41:9, the term "Ends of the Earth" refers to a place not time as what Manalo's interpretation to make him a messenger.

This is really one of the terrible errors Allan has done so far. 

_________________________

Question #5.Ginamit mo ang sitas sa Mateo 24:3-33, at sa verse 4-6, ay ito ang sabi
“4 Jesus answered: “Watch out that no one deceives you. 5 For many will come in my name, claiming, ‘I am the Messiah,’ and will deceive many. 6 You will hear of wars and rumors of wars, but see to it that you are not alarmed.”
Sinabi dito lilitaw ang mga bulaang propeta at ito rin ang panahon na sisiklab ang mga digmaan. Tanong ko ay, may kilala ka bang mang-aaral na lumitaw sa panahon digmaan noong 1914 maliban kay Felix Ysagun Manalo?

Answer #5 . Ang ginamit ko kaibigan ay Mateo 24:3 , 33 at Mateo 24:6-8.
Heto at isisipi ko ulit ang bahagi ng aking naging presentation diyan:
"Alin ang tinutukoy na "MGA WAKAS NG LUPA"? Ito ang panahon na malapit na ang pagparito ni Cristo o ng katapusan ng sanglibutan. Ang WAKAS NG LUPA ay ang Mismong Katapusan ng sanglibutan at ang “MGA WAKAS NG LUPA” ay ang panahon na si Cristo ay nasa mga pintuan na o malapit nang dumating.
“At samantalang siya'y nakaupo sa bundok ng mga Olivo, ay nagsilapit sa kaniya ng bukod ang mga alagad, na nagsisipagsabi, Sabihin mo sa amin, kailan mangyayari ang mga bagay na ito? at ano ang magiging tanda ng iyong pagparito, at ng katapusan ng sanglibutan?
Gayon din naman kayo, pagka nangakita ninyo ang lahat ng mga bagay na ito, ay talastasin ninyo na siya'y malapit na, nasa mga pintuan nga.” (Mat. 24:3,33)
Ano ang mga palatandaan na ang Panginoong Jesucristo ay nasa mga pintuan na o panahon na ng “MGA WAKAS NG LUPA”?
“At mangakakarinig kayo ng mga digmaan at mga alingawngaw ng mga digmaan; ingatan ninyo na huwag kayong magulumihanan: sapagka't kinakailangang ito'y mangyari datapuwa't hindi pa ang wakas. Sapagka't magsisitindig ang bansa laban sa bansa, at ang kaharian laban sa kaharian; at magkakagutom at lilindol sa iba't ibang dako. Datapuwa't ang lahat ng mga bagay na ito ay siyang pasimula ng kahirapan.” (Mat.24:6:8)
Ang isa sa mga palatandaan ay ang DIGMAANG UMAALINGAWNGAW. Isang DIGMAAN na AALINGAWNGAW O MAPAPABALITA. Kung mapapansin pa natin “sapagka't kinakailangang ito'y mangyari datapuwa't hindi pa ang wakas”. Bakit? Sapagkat may magaganap pa na panibagong Digmaan “Sapagka't magsisitindig ang bansa laban sa bansa, at ang kaharian laban sa kaharian;”. Ang katuparan nito ay ang UNANG DIGMAANG PANDAIGDIG (1ST WORLD WAR) na sumiklab noong July 27,1914 at ito ay sinundan ng IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG (2ND WORLD WAR). Ang UNANG DIGMAANG PANDAIGDIG ay tinawag ng kasaysayan na “the war to end all wars” (Story of the Great War, edited by Francis J. Reynolds, et al. New York: P.F. Collier and Son, 1916. Vol. 2, p. 291)."
Kaya para sagutin ko ang tanong mo na
"Sinabi dito lilitaw ang mga bulaang propeta at ito rin ang panahon na sisiklab ang mga digmaan. Tanong ko ay, may kilala ka bang mang-aaral na lumitaw sa panahon digmaan noong 1914 maliban kay Felix Ysagun Manalo?"
Wala akong tinindigan at ipinahayag sa aking presentation NA MAY SPECIFIC NA LILITAW NA BULAANG PROPETA NOONG JULY 27, 1914, KUNDI ANG PINATUTUNAYAN KO AY MAY LILITAW NA TUNAY NA SUGO SA MGA WAKAS NG LUPA NA ANG ISA SA PALATANDAAN AY ANG DIGMAANG UMAALINGAWNGAW NA SUSUNDAN NG ISA PANG DIGMAAN NA ANG KINATUPARAN AY ANG 1ST WORLD WAR NA SUMIKLAB NOONG JULY 27,1914 AT SA PETSANG ITO NAI-REHISTRO ANG IGLESIA NI CRISTO NA SIYANG OPISYAL NA PAGKILALA NG BANSANG PILIPINAS UKOL SA KANYANG PANGANGARAL AT IPINANGANGARAL NA IGLESIA NI CRISTO.

The very reason why they believe that Felix Manalo is a messenger is also the reason why Felix Manalo is a false prophet. In trying to connect that "ends of the earth" is in relevance to near "judgement day", it will end up that F. Manalo came just in the right time as what Jesus mentioned when the false prophet will emerge and that is when there are rumors of wars exactly July 27, 1914.

Allan is playing blind here. Yikes.

_______________________

Question #6. Sinasabi mo sa iyong presentasyon
“ Siya ang tinutukoy na "UOD NA JACOB"(Isa.41:14)”
Sino itong “SIYA” na tinutukoy mo? At saan sa context ng sitas mo ito kinuha ang tinutukoy mong “SIYA”?

Answer #6: Para po maliwanag ay sipiin ulit natin ang aking sinabi sa bahaging iyan:
"Pinatutunayan ng Biblia na may Lingkod Siyang tinawag at pinili na LILITAW sa "MGA WAKAS NG LUPA".
“Ikaw na aking hinawakan mula sa mga wakas ng lupa, at tinawag kita mula sa mga sulok niyaon, at pinagsabihan kita, Ikaw ay aking lingkod, aking pinili ka at hindi kita itinakuwil;”(Isaias 41:9)
Siya ang tinutukoy na "UOD NA JACOB"(Isaias 41:14)
“Huwag kang matakot, ikaw na uod na Jacob, at kayong mga tao ng Israel; aking tutulungan ka, sabi ng Panginoon, at ang iyong Manunubos ay ang Banal ng Israel.”
"Yung salitang SIYA ANG TINUTUKOY NA "UOD NA JACOB" ay tumutukoy sa BINABANGGIT NA HULA SA Isaias 41:9. Ipinakikita ko dun kung sino ang tinutukoy sa Isaias 41:9, ang tinutukoy dun ay yung tinutukoy na "UOD NA JACOB" sa Isaias 41:14. Nasa INTRODUCTION part pa lang ako niyan kaibigan at NATURAL, VERY OBVIOUS na ang tintindigan namin na mga Iglesia Ni Cristo, 'yan ay NATUPAD SA KATAUHAN NG KAPATID NA FELIX MANALO AT SA KANYANG GAWAIN PINASIMULAN AT ITINAGUYOD.

His answer to this question is terribly empty. So just because its natural and very obvious?
_____________________

Question #7.Nag karoon na ba ng depinisyon ang salitang “far east” sa panahon ng lumang tipan? At ano ito?

Answer #7: Kung ang tinutukoy mo ay 'yung tinitindigan namin na "far east" na "MIZRACH" sa Hebreo ay 'yung nasa Isaias 43:5 at Isaias 46:11. Kaibigan 'yun po ay hula at ang Pangalang Pilipinas ay noon lamang 16th Century samantalang ang kabuuan ng Biblia ay nayari o naisulat na 1st Century pa lang. Kaya kung ang tanong mo ay nangangahulugan na hinahanap mo sa akin na ipakita ko sa iyo sa Lumang Tipan na Pilipinas nga ang katuparan ng "far east" sa Isaias 43:5 at Isaias 46:11 ay TILA NALIMUTAN MO YATA ANG KASAYSAYAN NG PILIPINAS.
Naninindigan kami na ang kinatuparan nito ay ang Bansang Pilipinas sapagkat hindi lamang sapagkat ang Pilipinas ay nasa MALAYONG SILANGAN kundi sapagkat dito lumitaw ang Iglesia Ni Cristo sa panahong itinakda ng hula, sa petsa ng Biblia ay "MGA WAKAS NG LUPA", sa petsa kalendaryo ay "JULY 27, 1914". Walang ibang dako o bansa sa MALAYONG SILANGAN na may lumitaw na Iglesia ni Cristo noong July 27,1914 kundi sa bansang Pilipinas lamang. Kaya tinitindigan namin na ang kinatuparan ng "FAR EAST" sa Isaias 43:5, Isaias 46:11 ay ang Pilipinas KAYA ANG KAPATID NA FELIX MANALO AY TUNAY NA SUGO NG DIYOS SA MGA HULING ARAW O SA MGA WAKAS NG LUPA.

Allan jumped to a conclusion again and did not give any standard reference for the meaning of "far east". He believes it Philippines just because.

_________________________

Question #8. Kung ang salitang “star bucks” na ibig sabihin isang literal na bituin na pera ay iba sa salitang “StarBucks” na ibig sabihin isang coffeehouse nang dahil ang unang salita ay isang common noun at ang pangalawa ay isang proper noun. Ano naman ang kaibahan sa salitang “far east” sa salitang “Far East.
Answer #8: Hindi ako authority diyan pero ang isasagot ko diyan ay ang general definition ng proper noun and common noun. Heto ang sinasabi ng link na ito:
Proper Nouns
These name specific people, places, things, or ideas.
They begin with a capital letter.
Sometimes, they contain two or more important words.
Common Nouns
They name people, places, things or ideas that are not specific.
They do not need to start with a capital letter unless they begin in a sentence.
Link:http://www.english-grammar-revolution.com/proper-nouns.html

To let Allan know,

"far east" is a common noun, it is simply referring to a direction and distance, nothing specific.
"Far East" on the other hand is a proper noun, this particular proper noun only came up around 12th century which refers to a group of country including Phil.

but what we can read in the Bible is "far east" (James Moffat) though rarely used, we can not give it a meaning which was only defined around 12th century.


The term Far East came into use in European geopolitical discourse in the 12th century, denoting the Far East as the "farthest" of the three "easts", beyond the Near East and the Middle East. For the same reason, Chinese people in the 19th and early 20th centuries called Western countries "Tàixī (泰西)"—i.e. anything further west than the Arab world.-Wiki
________________________

Question #9. Gumamit ka ng reperesnya upang mapatunayan na ang Pilipinas nga ay kabilang sa Far East na na ani mo ay tinutukoy sa Bibliya. Tanong ko ay, may reperensya ka ba sa sinasabi mo na ang Uod na Jacob ay ang Iglesia ni Cristo na naitayo noong 1914 sa Pilipinas?

Answer #9: Una, liliwanagin ko lang. Kung mayroon mang naitayo noong 1914 ang Kapatid na Felix Manalo ay ANG MGA LOKAL O KONGREGASYON NG IGLESIA NI CRISTO AT HINDI ANG IGLESIA NI CRISTO. Pangalawa, ang katuparan ng "UOD NA JACOB" na ang REFERENCIA KO AY BIBLIA batay sa Isaias 41:9,14 ang KINATUPARAN AY ANG KAPATID NA FELIX MANALO NA SIYANG NANGARAL NG IGLESIA NI CRISTO. At para patunayan na Iglesia Ni Cristo nga ang kanyang ipinangaral, ang magiging referencia ko ay REHISTRO AT IBA'T IBANG BABASAHIN NA IPINANGANGARAL NG KAPATID NA MANALO ANG IGLESIA NI CRISTO UPANG TUMESTIGO SA SINASABI NG HULA SA BIBLIA.
Sa ikaliliwanag lamang po, HINDI MGA AKLAT REFERENCIA ANG SALIGAN NG AMING PANANAMPALATAYA NA ANG KAPATID NA FELIX MANALO AY SUGO NG DIYOS SA MGA HULING ARAW KUNDI ANG MGA SALITA NG DIYOS NA NAKASULAT SA BIBLIA. GUMAGAMIT LAMANG KAMI NG AKLAT REFERENCIA UPANG TUMESTIGO ANG MGA ITO NA NATUPAD ANG HULA SA BIBLIA AT SA GAYON AY HINDI MAGING SELF SERVING ANG PAGHAHAYAG NG IGLESIA NI CRISTO NG KATOTOHANAN.
Kung ang tintutukoy mong REFERENCIA ay aklat na nagpapatunay na si kapatid na Felix Manalo ang katuparan nang "UOD NA JACOB" sa Isaias 41:9,14, KUNG MAY GAGAWA "NUN NA HINDI KAANIB SA IGLESIA NI CRISTO EH NAPAKALAKI NG POSIBLIDAD NA 'YUN AY AANIB NA DIN SA IGLESIA NI CRISTO NA IPINANGARAL NG KAPATID NA FELIX MANALO at kung GAGAMITIN NA REFERENCIA ANG KANYANG AKLAT, ABA MAGIGING SELF SERVING NA 'YUN AT KUKUWESTIYUNIN MO TIYAK ANG MAGIGING PAGGAMIT NAMIN 'NUN KUNG SAKALING MAGKAGANUN. TIYAK NA sasabihin mo na KAANIB KASI SA INC ANG GUMAWA NIYAN.

What Allan wants to us to know that INC is the worm Jacob is simply because F.Manalo was preaching, INC was registered on that specific time. No proper answer was given.
_____________________

Question #10. Naniniwala ka ba na may kakahayan si Cristo na protektahan laban sa mga bulaan propeta na pumapasok sa kanyang Iglesia na syang tinutoring bilang, Katawan ni Cristo, Asawa ni Cristo, Kaharian ng Langit, Banal at Walang Kapintasan? Oo o Hindi.

Answer #10. OO SA PAMAMAGITAN NG TAPAT NA PAGSUNOD NG MGA KAANIB SA IGLESIA SA MGA UTOS O ARAL NG PANGINOONG DIYOS NA ITINURO NI CRISTO MAGAGAWA NI CRISTO PROTEKTAHAN ANG IGLESIA. Gaya nang nakasulat po dito kaibigan:
" 27Dinirinig ng aking mga tupa ang aking tinig, at sila'y aking nakikilala, at sila'y nagsisisunod sa akin: 28At sila'y binibigyan ko ng walang hanggang buhay; at kailan ma'y hindi sila malilipol, at hindi sila aagawin ng sinoman sa aking kamay. 29Ang aking Ama, na sa kanila ay nagbigay sa akin, ay lalong dakila kay sa lahat; at hindi sila maaagaw ninoman sa kamay ng Ama." (Juan 10:27-29)
Hindi lamang si Cristo ang po-protekta kundi maging ang Ama. Hindi sila maaagaw ng mga BULAANG PROPETA sa kamay ni Cristo at ng Ama KUNG TAPAT NILANG DIRINGGIN ANG MGA KAUTUSAN NI CRISTO. Kaya ang Unang Iglesia Ni Cristo ay NAGING GANAP ANG PAGTALIKOD DAHIL HINDI NAKAPANINDIGAN ANG LAHAT SA MGA KAUTUSAN NI CRISTO. Pumayag silang makapasok at maghari sa loob ng Iglesia ang mga maling aral, ang aral ng mga demonyo na ayon sa I Timoteo 4:1,3 ay IPINAGBABAWAL ANG PAG-AASAWA AT IPINAG UUTOS NA LUMAYO SA LAMANG KATI O KARNE na ang PANGUNAHING NAGTATAGUYOD NITO AY ANG IGLESIA KATOLIKA. Kaya KUNG MAY LUMITAW MAN NA IGLESIA KATOLIKA AY SA DAHIL ITO ANG NAGING BUNGA NG PAGTALIKOD NG UNANG IGLESIA.

Allan's answer is LABAN-BAWI, he said he's faithful to Christ that he can protect his church but believes that it was apostatized after less than 100 years. A man who truly believes that Christ can protect his church from teaching errors, then he should be looking for an old church that exists from the time of Christ up to now.

Allan is like trusting that the roof of his house can handle the rain but uses umbrella inside his house.