Friday 1 March 2019

Winnie Vs Mark: Early Church of Christ was Apostatized

MARK VENTURA'S INTRODUCTION


Sa lahat ng manonood ng diskusyong ito, MAY I INTRODUCE MYSELF?I'm MARK VENTURA, a PROUD MEMBER of the CHURCH of CHRIST, a BLOGGER, and RESEARCHER. Dati po akong SAKRISTAN, dati ring JW Bible student, at naging YOUTH PASTOR pa sa BORN AGAIN CHRISTIAN. At dahil sa PAGSASALIKSIK ko, ay NALAMAN ko ang DAKILANG KATOTOHANAN sa loob ng TUNAY na IGLESIA, ang IGLESiA NI CRISTO.Mga KAIBIGAN, mga KABABAYAN at MGA MAHAL na KAPATID, MAGANDA at PINAGPALANG ARAW sa LAHAT. Sa pagkakataong ito, ay TITINDIG AKO laban sa ISA sa mga AKING "GREATEST RIVAL" na si Mr. Winnie Bonilla Ibe na isang DEFENSOR KATOLIKO. At ang PAKSA natin na ating TITINDIGAN ay ang ukol sa PAGTALIKOD ng UNANG IGLESIA na ITINATAG ni CRISTO noong UNANG SIGLO. Sa ating PAGPAPATUNAY ay GAGAMIT tayo ng ILANG AKLAT KATOLIKO, mga KOMMENTARYO o RESEARCH ng mga BIBLE SCHOLARS at maging ng iba't ibang salin ng BIBLIA na MAGPAPATIBAY sa KATOTOHANAN. Malamang ay GAGAMITIN ng KALABAN ko ang CHOP CHOP OUT OF CONTEXT na PASUGO na kanilang kadalasan PINAGBABATAYAN ng AKUSASYON. INAASAHAN ko na BUKAS ang KAISIPAN ninyo sa mga MAPAPANOOD ninyo at nawa MAKATULONG sa INYONG PAGSUSURI.BUKAS po ang PINTO sa mga NAIS MAGSURI, maaari kayong magtungo sa aking BLOG, http://iglesianicristoibongmandirigma@wordpress.com o maaari rin kayong mag-email sa ibongmandirigma15@gmail.com. At i-LIKE at SHARE nyo rin ang aking OFFICIAL FB PAGE na nakapangalan sa akin. MAGTANONG, MAGSURI upang MALIWANAGAN kayo. Wala naman masama kung susubukan di ba? Inaanyayahan ko rin kayo na daluhan ang mga isinasagawang pag-aaral ng mga salita ng Diyos na malapit sa inyong lugar at maging sa aming mga pagsamba tuwing Miyerkules, Huwebes, Sabado at Linggo sa pinakamalapit na lokal po sa inyo. Nagagalak po kaming i-welcome kayo para sama-sama tayong magkamit ng tunay na kaligtasan sa loob ng tunay na bayan ng Diyos.Yun lang po, at maraming salamat.

 Winnie Bonilla Ibe' Introduction


My name is Winnie Bonilla Ibe a cradle Catholic. I started defending the faith since 15 years of age and now 47 years old.
This topic is THE VERY Foundation wherein the Catholic Church and INC differs. If this doctrine of apostasy is true as INC proclaims then Catholics must come out of the Catholic Church. On the other hand if INC’s doctrine of apostasy is mere fiction it follows that ALL the claims of Manalo for himself and his INC church are just made up stories or a myth! There should be no other choice but for them to come urgently to the BODY OF CHRIST- the Catholic Church! 
In this debate I will demonstrate WITHOUT A DOUBT that the charge that the very church founded by Christ was apostatised is NOT BASED ON THE BIBLE and FACTS.  
The mere statement from the Bible which says that someone or some turned away from the faith IS NOT EQUAL apostasy of the church.
Let me thank Mark for challenging me on this topic. I pray that he will not become my enemy but may I assist him in his journey towards the TRUTH. May our readers pray for me for wisdom and more charitable, clear and concise throughout this discussion.
Lastly, but more importantly, I thank God for this opportunity to share the TRUTH and my Catholic FAITH to others.
God bless po! 

Mark Ventura's Affirmative Presentation

 ANG PAGTALIKOD NG UNANG IGLESIA NI CRISTO
Posted on October 29, 2018 by Iglesia Ni Cristo: Ibong Mandirigma
Mahalagang malaman ng lahat ng tao ang kasaysayan ng Iglesiang itinatag ni Cristo noong unang siglo upang masagot ang katanungan na kung bakit Iglesia Katolika ang relihiyong kinagisnan ng marami sa atin. Noong nasa lupa pa ang Panginoong Jesucristo, hinulaan niya na ang magaganap na pagtalikod : 
“Lilitaw ang maraming bulaang propeta at ililigaw ang marami.” (Mateo 24:11, NPV)
Ayon kay Cristo, lilitaw ang maraming bulaang propeta at ililigaw ang marami sa Kaniyang mga alagad. Ano naman ang katumbas ng sinabi Niyang “ililigaw ang marami”, sa Mateo 24:10, ganito ang sinasabi sa atin :
“At dahil dito’y marami ang tatalikod sa kanilang pananampalataya. Mapopoot sila at magtataksil sa isa’t isa.” 
Ang katumbas ng ililigaw ang marami ay maraming tatalikod sa kanilang pananampalataya. Paano naman sila itatalikod ng mga bulaang propeta at sino ang mga tinutukoy ni Cristo na mga bulaang propeta? Ganito naman ang sagot pa sa atin ng Biblia :
Mateo 7:15: “Mangagingat kayo sa MGA BULAANG PROPETA, NA NAGSISILAPIT SA INYO NA MAY DAMIT TUPA, datapuwa’t sa loob ay mga lobong maninila.”
Ipinakikilala ni Cristo na ang mga bulaang propeta ay magdaramit tupa. Sino naman ang tupa na tutularan ng mga bulaang propeta? Ito pa sinasabi sa atin ng Biblia :
Juan 1:29: “Nang kinabukasan ay nakita ni Juan si JESUS na lumalapit sa kaniya, at sinabi, Narito, ANG CORDERO NG DIOS, na nagaalis ng kasalanan ng sanglibutan!”
Si Cristo pala ang tupa na tutularan ng mga bulaang propeta. Sino ba ang mga bulaang propetang ito? 
“ANG PARENG GAYAK SA PAGMIMISA AY NAKIKITULAD KAY JESUCRISTO noong umakyat siya sa bundok ng kalbaryo.” (Siya ang Inyong Pakinggan, ang Aral na Katoliko, p.195) 
Kung gayon, ang mga paring Katoliko ang tinutukoy ng Panginoong Jesucristo na mga bulaang propeta na magtatalikod ng marami. Paano nila itatalikod ang mga unang kaanib sa Iglesia Ni Cristo? Si Apostol Pablo ang magpapaliwanag sa atin sa 1 Timoteo 4:1, 3.
1 Timoteo 4:1,3: “Nguni’t hayag na sinasabi ng Espiritu, NA SA MGA HULING ANG IBA’Y MAGSISITALIKOD SA PANANAMPALATAYA, AT MANGAKIKINIG SA MGA ESPIRITUNG MAPANGHIKAYAT SA MGA ARAL NG MGA DEMONIO, … NA IPINAGBABAWAL ANG PAG-AASAWA, AT IPINAG-UUTOS NA LUMAYO SA MGA LAMANGKATI, na nilalang ng Dios upang tanggapin na may pagpapasalamat ng mga nagsisisampalataya at nangakakaalam ng katotohanan.” 
Ayon sa mga apostol, magsisitalikod ang mga alagad ni Cristo. Paano matatalikod? Sila ay makikinig sa mga aral ng mga demonyo: ang pagbabawal ng pag-aasawa at pagbabawal ng pagkain ng karne. Sino ba ang nagtataguyod ng ganitong klaseng aral?
Matitiyak natin na ang relihiyong nagtataguyod nito ay ang relihiyong tumalikod sa aral ng Diyos. At ang relihiyong ito ay hindi na ang tunay na Iglesia Ni Cristo :
“Ang disiplina ng Iglesia (Katolika) ay ipinatupad buhat pa sa pasimula, SA PAMAMAGITAN NG PAGBABAWAL SA PAG-AASAWA NG MGA SASERDOTE (Pari) PAGKATAPOS NA SILA AY MAORDENAHAN.” (Ang Pananampalataya ng ating mga Ninuno, p.396) 
“Sa ikalawang utos ay IPINAG-UUTOS NG SANTA IGLESIA (Katolika) sa atin na mag-ayuno at HUWAG KAKAIN NG ANUMANG LAMANGKATI AT KARNE sa mga araw na ipinagbabawal niya.” (Siya ang Inyong Pakinggan, ang Aral na Katoliko, p.139)
Pinatutunayan lamang ng katotohanang ito, na ang relihiyong ito ay hindi ang Iglesiang itinatag ng Panginoong Jesucristo, siyang naging bunga ng pagtalikod ng unang Iglesia Ni Cristo.
Ano naman ang gagawin sa mga hindi naitalikod o hindi nailigaw?
“Sa panahong ‘yon, kayo’y usigin at PAPATAYIN. Kapopootan kayo ng lahat dahil sa akin.” (Mateo 24:9, NPV)
Ang mga hindi nailigaw ay pinatay kaya nawalan ng mga tunay na kaanib ang unang Iglesia.
Ito ang mga patotoo ng kasaysayan ukol sa malawakang pagpatay ng Iglesia Katolika sa mga unang Cristiano :
“…ang Iglesia (Katolika) ay nagtatag ng isang tanging hukuman, ang Ingkisisyon Papa o Pangsanlibutang Ingkisisyon. Ang mahahalagang bahagi ng pamamaraan nito ay itinakda ng isang kalipunan ng mga batas na kapuwa pinagpatibay ni Papa Lucio III at Emperador Barbossa noong 1184. Ang mga maliliit na detalye ay idinagdag noong 1230. Ang gayong mga hukuman ng katarungang pang-espiritu ay itinatag sa mga dakong lubos na hinawahan ng mga maling aral… Itinuturing din ng bansa ang erehiya bilang isang kasalanan, sapagkat pinapaghihina nito ang mga saligan ng pangmadlang kagalingan. Ang parusa na itinakda ng mga batas panlupa ukol sa erehiya ay kamatayan sa apoy. Ang mga ito ay hindi kailanman ipinataw ng pansimbahang hukom.” (‘The Modern World’, p.344)
“Ang unang batas ng kasaysayan, pahayag ni Papa Leo XII, tulad ng aming binanggit nang nakaraan, ay upang magpahayag nang walang kasinungalingan at upang huwag magkaroon ng takot sa pagsasabi ng katotohanan. Bilang pagsang-ayon sa matalinong simulaing iyan, tahasan naming kinikilala ang pananagutan ng mga papa sa paggamit ng pagpapahirap at sa pagsunog sa libulibong mga erehe sa tulos. Ang pag papahintulot nila sa ganyang malupit at makahayop na mga pamamaraan ay hindi maitatatuwang isa sa pinakamaitim na mga batik sa talaan ng Banal na Tanggapan at mananatili hanggang wakas na isang dahilan ng pagkutya at kahihiyan sa kapapahan. Kahit tapatang aminin, na siya namang nararapat, na ang kanilang mga layunin ay mabuti at ang kanilang pagsusumakit ay para sa kapakanan ng Kaluluwa ng biktima, hayaang manatiling pananinindiganan na ang malupit at di makataong pamamaraan na ginamit ay hindi mapasusubalian.” (lbid, p.49) 
“Ang Iglesia (Katolika) ay hindi makaiiwas sa pananagutan ukol sa paggamit ng pagpapahirap ni sa pagsunog ng mga biktima sa tulos. Ang Iglesia sa katauhan ng kaniyang mga pontipise ang nananagot sa paggamit ng pagpapahirap; ang malupit na gawaing ito ay pinasimulan ni Inocencio IV noong 1252… Pinasisikapan ng pontipise na ipagtanggol ang paggamit ng pagpapahirap sa pamamagitan ng pagtuturing sa mga erehe bilang mga magnanakaw at mamama-tay-tao, paghahalintulad lamang ang kanyang tanging batayan.Ang batas na ito ni Inocencio IV ay muling pinairal at pinatibay ni Alejandro IV noong ika-30 ng Nobyembre,1259, at Clemente IV noong ika-3 ng Nobyembre,1265. Ni hindi makaiiwas ang Iglesia(katolika)sa pananagutan ukol sa pagpapasunog ng mga erehe sa tulos hanggang sa mamatay. Ang pagkukunwari lamang na ibigay ang biktima sa kapangyarihang sekular ay hindi makapaglilingid sa katotohanang ang mga papa ay paulit-ulit na nagpilit sa ilalim ng pagbabantang pagtitiwalag at pagbabawal sa mga pinuno, na igawad ang kaparusahang kamatayan sa mga erehe.” (Ibid.,p.47) 
Ayon sa mga apostol, kailan naman nangyari ito? Ganito ang pahayag sa atin ni Apostol Pablo : 
Gawa 20:29: “Aking talastas na pagalis ko ay magsisipasok sa inyo ang mga ganid na lobo, na hindi mangagpapatawad sa kawan;” 
Ano kaya ang ibig sabihin ni Apostol Pablo sa tinuran niyang “pag-alis”? Siya mismo ang magpapaliwanag nito sa atin : 
2 Timoteo 4:6: “Sapagka’t ako’y iniaalay na, at ang panahon ng aking pagpanaw ay dumating na.” 
Samakatuwid, pagkatapos ng panahon ng mga apostol at kapag sila’y namatay na, iyon ang panahon kung kailan tatalikod ang Iglesia Ni Cristo at hindi kataka-taka kung bakit ang Iglesia Katolika ang nakagisnan ng marami na relihiyon.


Winnie Bonilla Ibe 

FIRST QUESTION: 
Ginamit mo Ang Matthew 24:11 para sabihin mo na Ang Panginoon Jesus mismo ang humula sa pagtalikod ng KANYANG IGLESIA.
Let’s read from verse 3-11:
Matthew 24:3-11 NRSV
[3] When he was sitting on the Mount of Olives, the disciples came to him privately, saying, "Tell us, when will this be, and what will be the sign of your coming and of the end of the age?" [4] Jesus answered them, "Beware that no one leads you astray. [5] For many will come in my name, saying, 'I am the Messiah!' and they will lead many astray. [6] And you will hear of wars and rumors of wars; see that you are not alarmed; for this must take place, but the end is not yet. [7] For nation will rise against nation, and kingdom against kingdom, and there will be famines and earthquakes in various places: [8] all this is but the beginning of the birth pangs. [9] "Then they will hand you over to be tortured and will put you to death, and you will be hated by all nations because of my name. [10] Then many will fall away, and they will betray one another and hate one another. [11] And many false prophets will arise and lead many astray.” 
Tanong: AYON SA BIBLE SA TALATA TRES, si Cristo ay nagbigay ng mga SIGNS NG KANYANG MULING PAGBALIK AT NG MALAPIT NG WAKAS NG MUNDO. ISA dito ay ang mga digmaan ( verse 6)at paglitaw ng mga bulaan propeta (verse 11).
Kailan ba naganap Ang pagtalikod ng marami; noong pagkamatay ng mga Apostol ba o kung saan malapit na ang pagbabalik ng Panginoon Jesus?
Please answer. Thanks.

MARK VENTURA: 

AYON SA BIBLIA, PAGKAMATAY ng mga APOSTOL, MATATALIKOD ang IGLESIA : 
Gawa 20:24-25,29-30: "Datapuwa't hindi ko minamahal ang aking buhay na waring sa akin ay mahalaga, maganap ko lamang ang aking katungkulan, at ang ministeriong tinanggap ko sa Panginoong Jesus, na magpatotoo ng evangelio ng biyaya ng Dios. At ngayon, narito, nalalaman ko na kayong lahat, na aking nilibot na pinangaralan ng kaharian, ay HINDI NA NINYO MULING MAKIKITA ANG AKING MUKHA. AKING TALASTAS NA PAGALIS KO AY MAGSIPASOK SA INYO ANG MGA GANID NA LOBO, NA HINDI MANGAGPAPATAWAD SA KAWAN; At magsisilitaw sa mga kasamahan din ninyo ang mga taong mangagsasalita ng mga bagay na masasama, upang mangagdala ng mga alagad sa kanilang hulihan."

SECOND QUESTION:  
You claim that Christ mentioned about the false prophets in Matthew 7:15 are the Catholic priests.
Here is the text:
Matthew 7:15-16 NRSV
[15] “Beware of false prophets, who come to you in sheep’s clothing but inwardly are ravenous wolves. [16] You will know them by their fruits. Are grapes gathered from thorns, or figs from thistles? …
Can you tell me wether or not Christ actually referring to catholic priests with their vestments Or the “sheep’s clothing” is merely a metaphor?
Please refer to the same verse for the answer. 
Thanks.

MARK VENTURA: 

Maliwanag na SINASABI sa atin ng BIBLIA na ang mga BULAANG PROPETA ay TUTULARAN ang KASUOTAN ng KORDERO (Ang Panginoong Jesucristo) at BATAY sa SINIPI kong REPERENSIYA AKLAT KATOLIKO, ang mga PARI ang mga TINUTUKOY at KINATUPARAN ng HULANG ito ng BIBLIA.

THIRD QUESTION:   
 
Mark Ventura sinabi mo:
“ANSWER #1 .
AYON SA BIBLIA, PAGKAMATAY ng mga APOSTOL, MATATALIKOD ang IGLESIA :
Gawa 20:24-25,29-30: "Datapuwa't hindi ko minamahal ang aking buhay na waring sa akin ay mahalaga, maganap ko lamang ang aking katungkulan, at ang ministeriong tinanggap ko sa Panginoong Jesus, na magpatotoo ng evangelio ng biyaya ng Dios. At ngayon, narito, nalalaman ko na kayong lahat, na aking nilibot na pinangaralan ng kaharian, ay HINDI NA NINYO MULING MAKIKITA ANG AKING MUKHA. AKING TALASTAS NA PAGALIS KO AY MAGSIPASOK SA INYO ANG MGA GANID NA LOBO, NA HINDI MANGAGPAPATAWAD SA KAWAN; At magsisilitaw sa mga kasamahan din ninyo ang mga taong mangagsasalita ng mga bagay na masasama, upang mangagdala ng mga alagad sa kanilang hulihan."”
====================
Ito Ang tanong:
MAY SINABI BA SI SAN PABLO NA PAGKATAPOS MAMATAY LAHAT NG MGA APOSTOL AY MATATALIKOD ANG IGLESIA o ito ay SARILING UNAWA mo Lang? 
Saan ito sa BIBLIA WORD FOR WORD or sa kontexto?
MARK VENTURA: 

Maliwanag na SINASABI sa atin ng BIBLIA na ang mga BULAANG PROPETA ay TUTULARAN ang KASUOTAN ng KORDERO (Ang Panginoong Jesucristo) at BATAY sa SINIPI kong REPERENSIYA AKLAT KATOLIKO, ang mga PARI ang mga TINUTUKOY at KINATUPARAN ng HULANG ito ng BIBLIA.

FOURTH QUESTION

When was THE CHURCH FOUNDED BY CHRIST completely APOSTATISED, was it after the death of all the apostles? (Kailan namatay ang lahat ng mga apostles at sino sa kanila ang huling namatay?)
Pakisagot.
Thanks.

MARK VENTURA: 

YES, the APOSTATIZED were HAPPEN between SECOND to FOURTH CENTURY after the DEATH of the APOSTLES.

FIFTH QUESTION
You said:
YES, the APOSTATIZED were HAPPEN between SECOND to FOURTH CENTURY after the DEATH of the APOSTLES.”
My QUESTION:
If you and I lived in the second to third century, and assuming that the church was apostatised completely at the fourth century. Can we say that the church founded by Christ from the second to third century is STILL THE CHURCH OF CHRIST?

MARK VENTURA: 

WHEN WE SAY that the CHURCH FOUNDED by CHRIST on the FIRST CENTURY were APOSTATIZED, its NOT THE CHURCH OF CHRIST anymore. It should be called APOSTATIZED CHURCH or the CATHOLIC CHURCH.

SIXTH QUESTION
 
Ginamit mo ang 1 Timothy 4:1-3 at sinabi mo na ang pagsunod sa aral ng demonic tulad ng pagbabawal ng Hindi pagaasawa at pagbabawal sa pagkain ng Karne. 
Ang MGA SEMINARISTA namin ay pumapasok sa
Seminaries NA HINDI PINILIT, ay kung malaman na siya ay pinilit lang ay sila ay tinatanggal. Alam din nila na ang pagpasok sa seminary ay Alam ay pinili nila ang hindi magaasawa PARA SA KAHARIAN NG DIOS.
Matthew 19:11-12 TPT
[11] "Not everyone is meant to remain single-only those whom God gives grace to be unmarried. [12] For some are born to celibacy; others have been made eunuchs by others. And there are some who have chosen to live in celibacy for the sacred purpose of heaven's kingdom realm. Let those who can, accept this truth for themselves."
Tanong:
Ang HINDI PAGAASAWA BA PARA KAHARIAN NG Dios AY ARAL NG DEMONIO?

MARK VENTURA: 
 
UNA, MALING SALIN ang GAMIT mo. WALANG CELIBACY sa ORIGINAL GREEK ng MATTHEW 19:12. 
IKALAWA, PINATOTOHANAN ni REV. BERTRAND L. CONWAY na ang mga PARI ay INUTUSANG DI-MAG ASAWA o PINAGBAWALANG MAG-ASAWA NI PAPA LEO. SAMAKATUWID, UTOS ng TAO ang CELIBACY at HINDI UTOS ng DIYOS. Kaya, PINIPILIT sila at ito nga'y OBLIGATORY! 
“The earliest law ENFORCING CELIBACY was passed by the Council of Elvira (Canon 33) in Spain about the year 300. Bishops, priests and deacons were to be deposed if they lived with their wives and begot children after their ordination… By the time of Leo the Great (440-461) the law of clerical celibacy was OBLIGATORY throughout the west…” (THE QUESTION BOX p. 313)

SEVENTH QUESTION
 
Sinabi mo NA ang mga HINDI NATALIKOD AY PAPATAYIN GAMIT MO ANG MATTHEW 24:9.
Then you cited about the inquisition as proof that Catholic Church killed THE CHRISTIANS who remained faithful, yet the date mentioned in your references are 1184 AD AT 1230 AD.
Can you PROVIDE FROM HISTORICAL SOURCES who were those true Christians who were killed in those times and what doctrines they hold?

MARK VENTURA: 
 
In calling for a church-wide purification of memory, john paul acknowledged the mistakes and cruelty imbedded in church history, including the INQUISITION, the FORCED CONVERSIONS OF NATIVE PEOPLES IN AFRICA, AND LATIN AMERICA, AND SUPPORT OF THE CRUSADES, WHOSE VICTIMS INCLUDED JEWS, MUSLIMS, AND MEMBERS OF THE EASTERN ORTHODOX CHURCH.” Today. March 15, 2000
“The forced conversions of Jews in the Middle Ages and the history of anti-Semitism (despite official condemnations of both by church leaders) are evidence that the antithesis could easily overshadow the affirmation. The fateful loss of continuity with Judaism has, however, never been total. Above all, the presence of so many elements of Judaism in the Christian Bible has acted to remind Christians that he whom they worshiped as their Lord was himself a Jew, and that the New Testament did not stand on its own but was appended to the Old.”
“Also distinct from the medieval Inquisition, the Spanish Inquisition was established with papal approval in 1478 at the request of King Ferdinand V and Queen Isabella I. This Inquisition was to deal with the problem of Marranos, Jews who through coercion or social pressure had insincerely converted to Christianity; after 1502, it turned its attention to similar converts from Islam, and in the 1520s to persons suspected of Protestantism.” MSN ENCARTA


No comments:

Post a Comment